Huli ang anak, magulang ang kakasuhan sa Maynila

Huli ang anak, magulang ang kakasuhan sa Maynila

DAHIL sa kapabayaan at pagiging iresponsable, ipakukulong ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga magulang kapag nahuli ang kanilang anak na lumalabag sa ipinatutupad na ordinansa sa curfew at hindi pagsusuot ng face mask.

Ito ang bilin ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Police District at Manila Department of Social Welfare makaraan ang napakaraming menor-de-edad na nahuli dahil sa mga bayolasyon sa quarantine protocols.

“Let’s start jailing irresponsible parents. I don’t mind kung mapuno ang ating mga kulungan ng mga pabayang magulang dahil sa paglabag sa Ordinance No. 8243 (Anti-Child Endangerment Ordinance of the City Manila). . Hard time requires hard decision para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19,” ayon kay Domagoso.

Sa datos ng MPD nitong Hulyo 13, nasa 1.039 na ang kanilang nahuli na lumabag sa Ordinance No. 8644 (Mandatory Use of Face Mask in Public). Umabot naman sa 9,367 ang nadakip dahil sa paglabag sa Ordinance No. 8547 (curfew).

Sinabi ni Domagoso na karamihan sa mga nadakip ay pawang mga menor-de-edad na pagala-gala sa mga kalsada.

Umaabot naman sa 1,028 ang nailigtas na palaboy ng MDSW na karamihan rin ay mga bata. Sinabi ni Domagoso na marami sa kanila ay mga pinabayaan na ng mga magulang at ilan ay positibo sa COVID-19 makaraang isailalm sa swab testing.

“Kaya ang utos ko ngayong umaga kina MPD BGen Rolly Miranda at MDSW director Re Fugoso simulan na ang pag file ng kaso laban sa mga pabayang magulang,” ayon sa alkalde.

Leave a Reply

%d bloggers like this: