Komedyanteng si Kim Idol, pumanaw sa edad na 41

Komedyanteng si Kim Idol, pumanaw sa edad na 41

KINUMPIRMA ng ina ng Stand-up comedian na si Kim Idol ang pagpanaw nito dahil sa problema sa kanyang puso.

“Anak alam ko lumaban ka para hindi mo kami iwan. Pinaalis mo lang kami ng Ate mo dahil hindi namin kaya na mawala ka.Maraming nagmamahal sayo anak. We love (you)!” pahayag ng ina ng komedyante na si Maria Taniegra Argente.

Noong nakaraang Linggo, isinugod sa pagamutan si Idol dahil sa Arteriovenous Malformation (AVM) kung saan nagkaroon ng problema sa kanyang ugat at nahirapang dumaloy ang dugo at oxygen.

Sa panahon ng pandemya, nagsilbi si Idol bilang volunteer frontliner.

“Magandang alaala ang iniwan mo anak lalo na sa mga Covid Victim na pinasaya mo inawitan mo,” kwento pa ng nanay nito sa Facebook post.

“Sabi mo bumilis ang kanilang paggaling kasi nawawala ang kanilang lungkot hindi mo lang alam ang takot ni mama pero dahil gusto mo nga mag work bilang Frontliner pumayag na si mama. Sobrang saya mo ng ibalita mo sakin na kahit nakasalamuha mo sila negative result mo. Sobrang Proud ako sayo anak maraming sumasaludo sayo, para sa akin anak isa kang bayani,” dagdag nito.

Nagpahayag naman ng pagdadalamhati si Allan K sa pagpanaw ni Idol.

“You were one of the best talents Klownz and Zirkoh have ever had. One of the funniest on and off stage. You will always be remembered by people whose lives you touched through comedy,” saad ni Allan K.

“Rest in peace Kim Idol… we will miss you,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: