Walang pakinabang na ari-arian, gawing pera

Walang pakinabang na ari-arian, gawing pera

NAIS ni Senador Imee Marcos na isulong na ng gobyerno ang pagbebenta ng mga “toxic” o non-performing assets nito para makalikom ng karagdagang pondo na magagamit sa laban sa COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Senate Bill 1646 o ang proposed Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act, nais ni Marcos na bumuo ng specialized asset-managing corporation na mag-aayos ng pagkakautang at hindi mapakinabangang mga ari-arian ng mga lending institutions.

Naniniwala si Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na dadami pa ang mga hindi makakabayad ng utang bunsod ng patuloy na kahirapan dulot ng pandemya.

“Tila virus yang mga hindi nababayarang utang at iba pang non-performing asset na nakakaapekto sa ating ekonomiya. Masusubukan ang tibay ng bansa sa mga susunod na buwan,” saad ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na katulad ng mga tinatawag na SPV o special purpose vehicles (SPVs) na binuo sa kasagsagan ng 1997 Asian financial crisis, ang mga FIST corporations na bubuuin sa ilalim ng panukala ang tutugon sa banta ng pandemya sa pambansang ekonomiya.

Binigyang-diin ng senador na hindi sapat ang P140 billion na inilalaan ng economic manager sa ikalawang stimulus package kaya’t makatutulong anya ang FIST corporations na dagdagan ang pondo.

“Nakagugulat ang paglobo ng kaso ng COVID-19 araw-araw at maging ang ating mga ospital ay nagsisimula na ring mangamba sa kanilang kapasidad,” dagdag pa ni Marcos.

Leave a Reply

%d bloggers like this: