Walong Chinese, blacklisted

Walong Chinese, blacklisted

IPINATAPON at hindi na papayagang makabalik ang walo pang Chinese national na inilagay sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagiging ‘overstaying aliens’.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na pinayagan na makapasok sa bansa ang mga Tsino sa ilalim ng “visa-upon-arrival (VUA) for Chinese tourists”. Makaraang mapaso ito, hindi agad umalis ang mga Tsino at umabot pa ng maraming buwan bago sila nagpahayag ng intensyon na lalabas na ng bansa.

Dumating sa Pilipinas ang mga Tsino noong Nobyembre 2019 at Enero 2020 at maaari lamang manatili sa Pilipinas ng 30 araw. Dahil sa pag-abuso, hindi na makakabalik ng Pilipinas ang naturang mga Tsino.

Nitong Hunyo, nasa 21 Tsino rin ang inilagay sa blacklist ng BI dahil sa overstaying.

Inilunsad ng pamahalaang ang VUA (Visa Upon Entry) tatlong taon na ang nakalilipas para engganyuhin ang mga turistang Tsino na bumisita sa Pilipinas at palakasin ang turismo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: