Barangay sa Caloocan inilagay sa lockdown

Barangay sa Caloocan inilagay sa lockdown

INILAGAY sa lockdown ni Mayor Oscar Malapitan ang isang barangay sa lungsod dahil sa biglaang pagtaas sa kaso ng coronavirus dito na layong mapigilan ng lokal na pamahalaan.

Ipinag-utos ni Malapitan ang lockdown sa Brgy. 93 umpisa Hulyo 12 hanggang Hulyo 18. Nakapagtala ang barangay ng 28 kaso ng COVID-19 na may isang nasawi.

“Habang nasa total lockdown ay magsasagawa tayo ng contact tracing at mass testing sa lugar. Inatasan ko rin ang ating kapulisan na magkaroon nang mahigpit na police visibility sa area,” ani Malapitan.

Habang nasa lockdown, tiniyak ng alkalde na tuluy-tuloy ang pagbibigay nila ng food packs sa 1,100 pamilya sa barangay.

“Layunin nating mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19. Hindi tayo dapat makampante kahit nasa GCQ na ang Metro Manila. Tuluy-tuloy ang laban natin sa COVID-19,” dagdag ng alkalde.

May kabuuang 1,508 kaso ng COVID-19 sa Caloocan na may 733 recoveries, at 85 na ang nasawi.

Leave a Reply

%d bloggers like this: