Hindi magsusuot ng facemask, huhulihin ng pulis sa  Caloocan

Hindi magsusuot ng facemask, huhulihin ng pulis sa Caloocan

UPANG maampat ang hawahan ng coronavirus, mahigpit na ipinatutupad ng Caloocan City Police sa kautusan ni Mayor Oscar Malapitanang pagsusuot ng publiko ng face mask ng mga resicente sa lahat ng oras.

Bukod dito, sinisiguro rin na patuloy ang pagpapatupad ng curfew at social distancing sa mga kalsada sa lungsod.

Tuluy-tuloy ang pagpapaalala ni Mayor Oscar Malapitan sa mga Caloocano na mag-ingat na mahawa ng virus.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, mahigpit ang paalala ni Mayor Malapitan sa buong pwersa ng kapulisan na ipatupad ang mga ordinansa tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing sa ating lungsod.

Ayon sa datos ng Caloocan Police, umabot na sa 3,406 ang nahuli dahil walang suot na face mask, 2,238 dahil sa hindi pagsunod sa social distancing at 9,591 dahil da paglabag sa curfew.

Leave a Reply

%d bloggers like this: