Metro Mayors, pabor na manatili ang GCQ sa NCR

Metro Mayors, pabor na manatili ang GCQ sa NCR

KINUMPIRMA ni Metro Manila Council chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na pabor ang mga alkalde na palawigin pa ang general community quarantine sa National Capital Region.

“Doon po sa pagmi-meeting namin ang consensus po ng karamihan ng ating Metro Manila mayors ay extended po ‘yong GCQ. ‘Yan po ‘yong consensus ng bawat isa sa amin,” saad ni Olivarez sa panayam sa Radyo.

Nilinaw naman ng opisyal na magkakaroon ng kaunting pagbabago sa ipinatutupad na GCQ upang bigyang-daan nag pagbubukas ng ekonomiya nang hindi isinasakripisyo ang health protocols.

“Hybrid GCQ na mayroon pong kaunting bubuksan para naman po magkaroon ng hanapbuhay at ekonomiya ang ating pong Metro Manila,” paliwanag pa ni Olivarez.

Pinag-aaralan na anya ng Inter-Agency Task Force na payagan ang 50% seating capacity sa dine-in customers ng mga restaurant.

“Pinag-aaralan pa ng IATF kung paano po ‘yong pagbubukas ng economy without sacrificing ‘yong ating health protocols. Hindi puwedeng i-prejudice ang ating health protocols dahil alam naman natin na dumadami ang ating cases dito sa buong NCR,” dagdag ni Olivarez.

“Tinitignan po nila (IATF) pero wala pang final kasi ngayon ang dine-in natin nasa 30% sa mga restaurants. Pinag-aaralan ng IATF kung gagawing 50% ‘yong ating dine-in,” diin pa nito.

Gyaunman, mananatili anya sa 10% ng seating capacity ang papayagan sa mga religious gathering.

“Alam naman po natin na hirap na hirap po ating commuters eh. Kulang na kulang po ang ating public utility vehicles so ‘yan pa po ‘yong pagdadagag ng pagbubukas ng ating mga public utility vehicles over NCR,” saad pa ng alkalde.

Leave a Reply

%d bloggers like this: