Mga manloloko sa food delivery, dapat ikulong – Lapid

NAIS ni Senador Lito Lapid na patawan ng hanggang anim na buwang pagkakulong at P100,000 multa ang mga customer na paulit-ulit na magkakansela ng kanilang inorder na pagkain o grocery sa mga delivery service provider.

Sa kanyang Senate Bill 1677, nais din ni Lapid na obligahin ang food at grocery delivery service providers na bumalangkas ng mandatory reimbursement scheme sa mga cancelled orders.

Ipinaalala ni Lapid na sa gitna ng paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic, marami ang umasa sa delivery services at nagsilbi ang mga delivery riders bilang front-liners na isinusugal ang kanilang buhay para makapagserbisyo sa mga nangangailangan.

Gayunman, marami pa rin sa mga ito ang nakaranas ng kanselasyon ng mga order o mga pagkakataon ng “no-show” customers.

“Masakit isipin na sa kabila ng panganib na hinaharap ng mga delivery rider para lamang makapagserbisyo sa mga customer at kumita ng maliit na halaga, sa huli, sila pa ang naloloko,” saad ni Lapid.

“Bukod sa nasasayang ang oras at salapi ng mga riders dahil sa pagkansela ng order, ang mas malala pa, may mga pagkakataon na ni hindi matunton nag address ng nanlokong customer dahil sa fake address. Hindi tuloy sila mapanagot at naiiwang lugi at abunado ang mga delivery riders,” dagdag nito.

Sa ilalim ng panukala, ipapatupad ng service providers ang Know-Your-Customer (KYC) rules kung saan magsusumite ng proof of identity at residential address ang customer alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.

Nakasaad din na ang service providers ang may obligasyong ibalik ang pera ng rider sa oras ng kanselasyon ng confirmed orders.

Kung ang isang customer ay magkakansela ng tatlong beses sa isang buwan ay mahaharap ito sa isa hanggang anim na buwang pagkakulong at pagmumultahin ng hanggang P100,000.

Ang food and grocery delivery service provider naman na hindi babalangkas ng reimbursement scheme ay magmumulta nang hindi hihigit sa P500,000.

Leave a Reply

%d bloggers like this: