Online Barter, bawal din kung walang buwis- DTI

Online Barter, bawal din kung walang buwis- DTI

MATAPOS pag-initan ang online selling, bawal din umano ang ginagawang ‘online barter trading’ ng mga netizen sa internet na kinakailangan rin umanong iparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na hinihikayat nila ang mga negosyanteng gumagawa ng online barter na dumaan sa tamang proseso at magbayad ng buwis.

Inamin naman ni Lopez na ang barter trade o palitan ng produkto sa produkto ay pinapayagan sa ilang bahagi ng Mindanao katulad ng Sulu at Tawi-Tawi ngunti bawal umano sa ibang bahagi ng bansa.

Aaksyon umano ang composite team ng DTI, PNP at National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang mga nagaganap na online barter.

Samantala, hinikayat rin ni Lopez na huwag basta-basta magtitiwala sa mga online sellers sa social media at tangkilikin lamang ang mga malalaking internet platforms tulad ng Lazada, Shopee at Zalora.

Nakatanggap na umano ang DTI ng higit sa 10,000 reklamo laban sa mga online sellers.

Matatandaan na pinaalalahanan rin ng DTI ang mga online sellers na magparehistro sa BIR at magbayad ng buwis lalo na iyong mga kumikita ng P250,000 kada taon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: