Polisiya sa pagkain ng dine-in, paluluwagin

Polisiya sa pagkain ng dine-in, paluluwagin

UMPISA Hulyo 21, mas paluluwagin na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kapasidad ng mga dine-in establishments tulad ng mga restoran at fastfood chains para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang 30% capacity ng mga dine-in sa GCQ areas ay iaakyat sa 50% habang ang mga dine-in na nasa MGCQ ay iaakyat naman sa 75% mula sa 50% kapasidad.

Kasunod ito ng taimtim na pagsunod ng mga dine-in establishments sa panuntunan at protocols na ipinatutupad ng pamahalaan na nasa 92 hanggang 100 porsyento.

Ayon sa kalihim, ang pagpapaluwag sa kapasidad ng mga dine-in establishments ay bahagi ng pamamaraan para sa unti-unting pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa. Ngunit kailangan pa rin umanong sumunod ng mga establisimiyento sa mahigpit na protocols para hindi kumalat ang virus.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng ‘physical distancing’ sa mga kustomer, maayos na bentilasyon, paglalagay ng acrylic dividers, pagsusuot ng face masks, palagiang disinfection at iba pa.

Nanawagan rin si Lopez sa mga lokal na pamahalaan na palawigin pa ang umpisa ng curfew na maaaring umpisahan ng alas-12 ng hatinggabi para mahayaan ang mga restoran na makapag-operate ng hanggang alas-10 o alas-11 ng gabi.

Leave a Reply

%d bloggers like this: