COVID sa Pilipinas, na-flat na?

COVID sa Pilipinas, na-flat na?

KUNG si Health Secretary Francisco Duque III ang paniniwalaan, nakamit na umano ng Pilipinas ang tinatawag na ‘flattening of the curve’ o pagpantay na ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) mula noon pang Abril.

“We have successfully flattened the curve since April,” ayon kay Duque sa isang online press conference nitong Miyerkules.

Iginiit niya na ang kaniyang konklusyon ay base sa mas mahabang pagdoble ng kaso ng COVID-19 at ng bilang ng mga nasasawi. Mula sa 2.5 araw bago magdoble ang bilang ng mga kaso, nasa 8-12 araw na umano ito ngayon bago magdoble.

Dulot umano ito ng malaking ibinuti ng programa at pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 tulad ng mga quarantine protocols at pagpapalakas ng kapabilidad ng health system.

Ngunit inamin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mataas ang average na kada araw na kaso ng COVID-19 na 766 ngayong Hulyo kumpara noong Hunyo. Dulot umano ito ng pagtaas sa mga kaso sa mga binabantayang lugar at clustering o pagkakakumpol-kumpol nito sa mga komunidad.

Kinontra naman ni Dr. Tony Leachon, dating consultant ng Inter-Agency Task Force, ang pahayag ni Duque. Sinabi ni Leachon na hindi kapani-paniwala ito dahil sa paglaki pa lalo ng mga kaso at hindi rin maaaring gamitin ang bilang ng mga nasasawi.

Marami ring mga netizen ang kumontra kay Duque kung saan ilan ang nagtatanong kung saang planeta umano nakatira ang kalihim para masabi niya na flat na ang COVID-19 sa Pilipinas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: