Drilon: No warrant, no entry!

Drilon: No warrant, no entry!

NAGPAALALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga awtoridad hinggil sa paggalang sa karapatan ng mamamayan sa gitna ng ipinaiiral na house to house approach para hanapin ang mga asymptomatic na COVID 19 patients.

Ipinaalala ni Drilon na sa gitna ng pag-iral ng pandemic ay hindi naman nasusupinde ang pagpapatupad ng karapatan ng mamamayan.

“No warrant, no entry,” giit ni Drilon.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Drilon ang kabiguan ng gobyerno na ma-flatten ang curve at bigo pa rin anya ang mga ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng mass testing at contact tracing.

Hinikayat din ng senador ang gobyerno na muling pag-aralan ang desisyon hinggil sa house to house na paghahanap sa mga COVID 19 positive.

Iginiit nito na mas kailangang health professionals ang magsasagawa ng contact tracing at hindi ang mga pulis o sundalo dahil magdudulot lamang ito ng takot sa taumbayan.

Itinulad naman ni Senador Risa Hontiveros sa Oplan Tokhang ang aksyon ng DILG at PNP laban sa mga COVID patients.

Sinabi ni Hontiveros na dahil dito lalo lamang magdadalawang-isip ang mga tao na ireport sa mga awtoridad ang tunay na estado ng kanilang kalusugan.

Sa kabilang dako, naniniwala si Senate President Vicente Sotto III na ipinapakita lamang ng naturang hakbang na seryoso ang gobyerno na maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Sotto na wala siyang nakikitang problema sa hakbang na ito sa kondisyong susundin pa rin ang mga nakasaad sa batas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: