House-to-house search, ipaubaya sa Barangay officials

House-to-house search, ipaubaya sa Barangay officials

KUNG si Justice Secretary Menardo Guevarra ang masusunod, dapat mga tauhan at opisyal ng barangay ang magsagawa ng bahay-bahay na pagsaliksik sa mga pasyenteng ma coronavirus disease (COVID-19) at hindi mga pulis.

Sinabi ni Guevarra na hindi naman nila napag-usapan pa sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasagawa ng ‘house-to-house search’ para madala ang mga pasyente sa mga quarantine facilities.

Maaari naman umano itong mapag-usapan sa susunod nilang pulong at sa kaniyang opinyon, kung maaaprubahan ito ay dapat mga opisyal ng barangay ang magsagawa nito at hindi mga tauhan ng Philippine National Police.

“Health workers are in a better position to determine if transfer to a government quarantine facility is appropriate,” paliwanag niya.

Nanindigan rin siya na may basehang legal ang hakbang ng pamahalaan na ipalipat sa mga quarantine facilities ang mga pasyente lalo na at walang kapabilidad na mag-home quarantine.

“It is the duty of the government, for public health reasons, to place the afflicted person in a quarantine facility if there is no adequate isolation area in such person’s home,” ayon kay Guevarra.

Leave a Reply

%d bloggers like this: