Isa pang barangay sa Caloocan inilagay sa hard lockdown

Isa pang barangay sa Caloocan inilagay sa hard lockdown

MAKARAAN ang lockdown sa Barangay 93, isa pang barangay sa Caloocan City ang inilagay ni Mayor Oscar Malapitan sa hard lockdown dahil sa biglaang pagtaas sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Inilagay ni Malapitan sa lockdown ang Barangay 38 na may limang libong pamilya. Nitong Martes, nakapagtala na ng 42 kaso ng COVID-19 sa naturang barangay na may dalawang nasawi.

Photo c/o Caloocan PIO

Inumpisahan ang lockdown nitong alas-12:01 ng madaling araw ng Hulyo 14 at magtatapos ng alas-11:59 ng hatinggabi ng Hulyo 20.

Photo c/o Caloocan PIO

Habang nasa hard lockdown, tiniyak ni Malapitan na patuloy ang pagbibigay nila ng food packs sa mga residente para sa kanilang pagkain at para manatili muna sila sa kani-kanilang tahanan.

Namimigay rin ng bahay-bahay ng mga gamot ang mga tauhan ng Pamahalaang Lungsod para mapalakas ang resistensya ng mga residente.

Photo c/o Caloocan PIO
Photo c/o Caloocan PIO

Leave a Reply

%d bloggers like this: