Libreng COVID-19 drive thru test sa Maynila

Libreng COVID-19 drive thru test sa Maynila

MAGBIBIGAY ng libreng COVID-19 test si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagbubukas nila ngayong Miyerkules sa “drive-thru COVID-19 testing center” para mapataas ang kapabilidad sa mass testing sa lungsod.

Inilunsad ang bagong pasilidad sa tapat ng Gat. Andres Bonifacio Monument at mag-ooperate mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kada araw. Wala naman umanong babayaran ang mga motorista na nais magpa-test.

Ayon kay Domagoso, kukuha ang MHD ng mga blood samples ng mga dadaan sa drive-thru at ipoproseso ito sa mga bagong biling COVID-19 serology testing machines. Layon ng test na malaman kung may anti-bodies ang isang tao na nabuo laban sa COVID-19.

Ang apat na makina mula sa American healthcare firm na Abbott ay may kakayanang makapagproseso ng 89,600 tests sa isang buwan.

Bukod sa mga residente ng Maynila, maaari ring magpa-test ang mga hindi residente ng lungsod, pagtitiyak ni Domagoso. Kailangan lamang na pumirma ng form at magprisinta ng identification card (ID) ng mga interesadong motorista.

Tatawagan ng mga tauhan ng Manila Health Department ang nagpasailalim sa test para malaman ang kanilang resulta. Kapag positibo, bibigyan sila ng instruksyon sa susunod na magiging hakbang tulad ng pagtungo sa pinakamalapit na quarantine facility at sumailalim sa verification tests.

Leave a Reply

%d bloggers like this: