Mga pulis, posibleng mahawa sa house to house search sa COVID 19 patients

Mga pulis, posibleng mahawa sa house to house search sa COVID 19 patients

NANGANGAMBA si Senador Win Gatchalian na posibleng mahawa rin ang mga pulis na magsasagawa ng house to house search sa mga COVID 19 patients kung ipagpapatuloy ang kanilang pag-iikot para hanapin ang mga pasyente at ilipat sa mga government quarantine facility.

Ayon kay Gatchalian, may posibilidad na mahawa ang mag pulis sa mga pasyente kung ipagpapatuloy nila ang ganitong hakbang.

“Yung house to house is very dangerous, delikado. Maraming asymptomatic eh. Baka mahawahan ang mga pulis natin at kapag nahawahan, magkukulang tayo sa tao,” saad ni Gatchalian.

Bukod dito, masasayang lamang din anya ang oras ng mga pulis dahil iisa-isahin ang mga bahay gayung kulang na nga ang kanilang bilang para sa mahigpit na pagbabantay upang matiyak na nasusunod ang health protocols.

Nilinaw naman ng senador na suportado niya ang hakbang na dapat ay ilagay sa isolation centers ang lahat ng positibo sa virus kahit ang mga asymptomatic o walang sintomas.

Ang pinakamabisang paraan anya sa sandaling nagpositibo sa test ay dapat nang idiretso sa isolation facilities at huwag nang payagang umuwi ng kanilang mga bahay.

Dapat din anyang maging mandato ng mga lokal na pamahalaan na maglagay ng isolation centers sa kanilang nasasakupan upang hindi rin mailayo nang husto ang mga pasyente sa kanilang pamilya.

“Ang advise ko nga change the policy and mandate LGUs to bring the positives to isolation centers,” saad pa ni Gatchalian.

Leave a Reply

%d bloggers like this: