Zubiri, Angara kay Duque: Saan ang flattened curve?

Zubiri, Angara kay Duque: Saan ang flattened curve?

BINATIKOS muli ng mga senador si Health Secretary Francisco Duque III sa pahayag nito na na-flattened na ang curve ng COVID 19 infection simula noong Abril.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa virus, tanong ni Senate Majority leader Migz Zubiri sa kalihim kung anong ‘curve’ ang tinutukoy nito.

“OMG! Dear Secretary Duque, with all due respect, pls tell us what curve is flattening? Is it the fact that the cases in April were at an average of two hundred a day as compared to the daily average of over a thousand cases today?” saad ni Zubiri.

“Or is it the fact that we will soon be number one in South East Asia in terms covid cases?” dagdag pang tanong ng senador.

Sinabi ni Zubiri na ang tanging flat sa ngayon ay ang likod ng mga pasyente na pumupuno sa mga COVID wards sa Metro Manila at patuloy na lumalaban sa kanilang buhay.

“Wag magbulag-bulagan and act to stop the surge instead of imagining it,” diin pa ni Zubiri.

Maging si Senador Sonny Angara ay hindi kumbinsido sa pahayag ni Duque dahil anya maraming hopistal covid wards ang napupuno na ng mga pasyente.

Bagama’t nababawasan anya ang bilang ng mga nasawi, patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga kaso.

Ipinaalala pa ni Angara sa kalihim ang pahayag ng World Health Organization na hindi masosolusyunan ang problema kung hindi aaminin ang tunay na estado ng bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: