34 Magulang at guardians ng mga pasaway na kabataan, kakasuhan

34 Magulang at guardians ng mga pasaway na kabataan, kakasuhan

PINAGDADAMPOT rin ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at kakasuahn ang nasa 34 na mga magulang o guardians ng mga nahuling kabataan na lumalabag sa ordinansa sa curfew at pagsusuot ng facemasks sa lungsod ng Maynila.

Sa ulat ng MPD-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), umaabot sa 40 kabataan ang kanilang nadakip sa ginawang pag-iikot sa Barangays 228, 221, 61, 56, 55, 53, 52, 51, at 50 na nasasakupan ng MPD-Abad Santos Police Station 7.

Photo c/o Manila PIO

Dahil dito, tinukoy ng mga pulis ang mga magulang at guardians ng mga dinampot na mga menor-de-edad at dinala sa istasyon ng pulisya.

Ito ay bilang pagsunod sa kautusan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na arestuhin at kasuhan ang mga pabayang mga magulang ng mga pasaway na mga kabataan.

Iginiit ni MPD Director PBGen Rolando Miranda na mahigpit na ipinatutupad ang pagbabawal na lumabas sa kanilang mga bahay ang mga menor-de-edad at maging ang mga may edad na 21-anyos pababa base sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF).

Nakatakdang sampahan ang mga magulang ng mga kasong paglabag sa City Ordinance No. 8243 (Anti-Child Endangerment Act), R.A. 7610 Section 3 (Child Abuse Law) at RA 11332 o ang Mandatory reporting of notifiable disease sa Manila City Prosecutors Office.

Leave a Reply

%d bloggers like this: