Bakuna sa flu at pneumonia, inirekomenda ng DOH

Bakuna sa flu at pneumonia, inirekomenda ng DOH

HINIHIKAYAT ngayon ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna ng anti-flu at pneumonia para malabanan ang mga kumplikasyon kung dadapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makatutulong ang naturang mga bakuna para makaiwas ang isang pasyente sa karagdagang kumplikasyon, sakaling dapuan sila ng COVID-19.

Nagbibigay naman ang mga health centers ng naturang mga bakuna para sa mga bata at maging sa matatanda na dapat samantalahin ng publiko.

“It can help you kasi para hindi nagkakaroon ng additional complication ‘yung mga mayroong may COVID-19. ‘Yung mga nagpapa-flu vaccine or pneumonia vaccine, we do not advise against it. We even recommend it because we have that program as well,” an Vergeire.

Isa sa mga kumplikasyon ng COVID-19 ay pneumonia na pangunahing dahilan ng pagkamatay ng pasyente na dinadapuan ng virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: