Ted Failon ligtas sa libel

Ted Failon ligtas sa libel

MAKARAANG mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, ibinasura naman ng Court of Appeals (CA) ang kasong libelo na isinampa ni Senador Francis Tolentino laban sa broadcaster ng network na si Ted Failon ukol sa komentaryo niya noong 2016 sa pagbili ng mga 2nd hand na motorsiklo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa desisyon nitong Hulyo 7, binaligtad rin ng CA 12th Division ang naunang kautusan ng Tagaytay City Regional Trial Court Branch 18 na magpatuloy sa paglilitis sa kabila ng mosyon mula sa Department of Justice na pinaaatras ang kaso.

Sa 26-pahinang desisyon na pinonente ni CA Associate Justice Pablito Perez, naglabas sila ng konklusyon na may ginawang ‘grave abuse of discretion amounting to loss or excess of jurisdiction’ si RTC Tagaytay City Judge Jaime Santiago nang magdesisyon siyang ituloy ang paglilitis kahit na may tinatawag na ‘fatally defectived information’ sa kaso.

Isinampa ni Tolentino noong Disyembre 2016 noong siya pa ang namumuno sa MMDA, ang kasong libelo sa Tagaytay City Prosecutors Office laban kay Failon at sa mga staff ng programa niyang Failon Ngayon. Sa episode ng programa noong Disyembre 3 at 4, inakusahan na nagkaroon ng anomalya sa pagbili ng mga motorsiklo na second hand ng ahensya.

Isa pang kasong libelo ang isinampa ni Tolentino noong Disyembre 31 nang muling i-ere ng ABS-CBN ang episode sa kanilang ‘year-end racap’.

Umapela si Failon sa DOJ na nagpalabas ng ruling noong Oktubre 3, 2017 na iginigiit na walang nakitang malisya sa kinukuwestiyong TV episode. Sinabi ng DOJ na ginagawa lamang ng news team ni Failon ang tungkulin ng media na isiwalat ang anumang nakikitang anomalya at iregularidad.

Leave a Reply

%d bloggers like this: