Go at Trillanes, muling nagkainitan

Go at Trillanes, muling nagkainitan

NAGBANATANG muli sina Senador Bong Go at dating Senador Sonny Trillanes matapos ang isyu ng pagpapa-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang college student dahil sa umano’y pagkakalat ng fake news.

Sa tweet ni Trillanes, tinawag nitong malakang mam-bully si Go kasabay ng pagpapaalala ng frigate scam.

“Malakas makapang-bully ng estudyante itong Bong Go na ‘to. Siguraduhin mo lang na di iikot ang mundo, kundi may kalalagyan ka. Tatandaan mo, dokumentado yung sabit mo sa frigate scam,” saad ni Trillanes.

Matatandaang inakusahan noon ni Trillanes si Go na nanghimasok sa procurement ng Philippine Navy ng frigate.

Sa pahayag naman ni Go, muli niyang tinawag na hari ng fake news ang dating mambabatas.

“Bagyong Trillanes! Isa kang hari ng fake news, manloloko na walang ginawa kundi manira ng kapwa, at alam naman natin na ikaw ang totoong Bikoy,” saad ni Go.

Iginiit pa ni Go na kaya siya nanalong senador ay dahil sa mga alegasyon ni Trillanes na pawang walang basehan at sinabing nagsawa na ang taumbayan sa istilo niyang black propaganda.

Binigyang-diin pa ng senador na mismong ang Senado na anya ang nagsabi na wala siyang kinalaman sa frigate scam.

“Antayin kita dito sa Senado kung manalo ka sa susunod na eleksyon at sabay nating imbestigaha ang mga anomalya mo. Hindi mo na maloloko ang taumbayan,” diin pa ni Go.

Leave a Reply

%d bloggers like this: