Good Samaritan cop, muling bumida

Good Samaritan cop, muling bumida

MULING nagpakita ng kabaitan ang good samaritan cop na si Police Officer 2 Jonjon Nacino na una nang nagbigay ng $100 sa isang working student na nasita niya sa isang checkpoint

Sa panibagong insidente ng kabaitan ni Nacino, isang ice cream vendor ang kanyang nabigyan ng tulong sa Dapitan, Manila.

Ito ay nang bayaran niya ng P1,000 ang ice cream vendor sa pagbili niya ng dalawang piraso ng ice drops.

Ayon sa bystander witness na si Dustin Cinco, mahigit P900 pa ang sukli ng pulis subalit sinabihan ang ice cream vendor na “keep the change”.

“Ako lang siguro ‘yung nakakita doon sa ginawa niyang ‘yun. Pero alam naman natin na may iba pang nakakita ng magandang asal niya na ‘yun. At sure ako, pagpapalain pa siya ng husto,” saad ni Dustin.

Noong Mayo, sinita ng pulis ang food delivery driver Joshua Basa sa checkpoint sa España Boulevard.

Subalit nang malaman niyang working student si Basa ay binigyan na lamang niya ito ng $100 sa halip na tiket.

Leave a Reply

%d bloggers like this: