Ilang healthworkers sa Caloocan City Medical Center-South, nagpositibo sa COVID-19

Ilang healthworkers sa Caloocan City Medical Center-South, nagpositibo sa COVID-19

PANSAMANTALANG ipinasara ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang Caloocan City Medical Center-South makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang healthcare workers na nagtatrabaho doon.

Inumpisahang ipasara ang pagamutan na nasa A. Mabini Street ngayong Hulyo 17 at magtatapos sa Hulyo 23 upang bigyang daan ang decontamination at disinfection.

Inilagay naman sa quarantine ang mga apektadong healthcare workers habang nagsasagawa na ng ibayong contact tracing ang lokal na pamahalaan para matukoy ang sinuman na kanilang nakasalamuha.

“Bagamat pansamantalang sarado, patuloy natin bibigyan ng kinakailangang atensyong-medikal ang mga pasyenteng naka-admit na. Gayundin, patuloy na magbibigay-serbisyo ang ating Out-Patient Department na matatagpuan sa Old City Hall Plaza at ang Caloocan City North Medical Center (CCNMC) na mananatiling bukas sa ating mga mamamayan,” ayon kay Malapitan.

Ibinalitan rin ng alkalde na umapaw na ang mga pasyenteng nagtutungo sa CCMC kaya hinikayat ang publiko na magtungo muna sa ibang mga pagamutan.

“Tayo ay patuloy na humihingi ng pang-unawa sa ating mga mamamayan. Patuloy natin ipagdasal ang ating mga medical staff at iba pang tinamaan ng sakit na ito,” pahayag ni Mayor Oca.

“Umasa kayo na ginagawa natin ang lahat upang mabuksan muli ang CCMC sa lalong madaling panahon, nang sa gayon ay muli tayong makapagbigay ng ligtas at maayos na serbisyong medikal sa mga taga-Caloocan,” dagdag ni Mayor Oca.

Leave a Reply

%d bloggers like this: