Jukebox queen Claire dela Fuente makukulong?

Jukebox queen Claire dela Fuente makukulong?

MAKUKULONG ng hanggang pitong taon ang sikat na OPM at isa sa jukebox queen na si Claire dela Fuente nang mahatulang nagkasala ng Court of Tax Appeals dahil sa kasong tax evasion.

Sa 205-pahinang desisyon na inilabas ng CTA, inaatasan rin si Dela Fuente na magbayad ng P350,000 multa nang mapatunayang hindi nagbayad ng P165 milyong income tax mula 1998 hanggang 2004 nang siya pa ang namamahala sa Philippine Corinthia Liner Corporation.

Bukod dito, pinagbabayad pa ng karagdagang P700,000 multa ang PCLC dahil sa parehong dahilan ng hindi pagbabayad ng buwis mula 1998 hanggang 2004 gayung naparehistro lamang ang kumpanya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Enero 27, 2005 na paglabag sa National Internal Revenue Code.

“No physical returns were actually filed by the accused PCLC for the previous years. More than that, the returns they presented to give the impression that they were filed were, in truth, spurious,” ayon sa desisyon ng CTA.

Binigyang-diin rin ng korte ang pag-amin ni Dela Fuente na naparehistro lang niya sa BIR ang kumpanya noong 2005 at binigyan siya ng awtoridad na siyang humarap sa lahat ng claims laban sa PCLC kabilang ang mga sinisingil ng gobyerno.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang depensa ng PCLC na hindi sila nagkaroon ng operasyon mula 1998 hanggang 2004 dahil sa mga sertipikasyon ng BIR.

“Likewise, the CTA junked the defense’s claim that PCLC did not have business operations from 1998 to 2004, citing certifications made by the BIR in those years.”

Leave a Reply

%d bloggers like this: