10 TAUHAN NI GORDON, COVID 19 POSITIVE

10 TAUHAN NI GORDON, COVID 19 POSITIVE

SAMPU sa mga tauhan ni Senador Richard Gordon sa Senado at sa Philippine Red Cross ang nagpositibo sa COVID 19.

Ayon kay Gordon, agad nang isinailalim sa quarantine ang mga nagpositibo habang nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Sinabi ng senador na regular ang pagsasagawa nila ng RT-PCR testing sa kanilang staff at volunteers upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa gitna ng pagtupad nila sa kanilang tungkulin.

Ipinaliwanag ni Gordon na dahil pangunahing trabaho nila ngayon ang pagsasagawa ng tests, pamamahagi ng relief goods ay hindi maiiwasang naeexpose din sila sa mga positibo sa virus.

“I am sharing this information with the public in the interest of transparency and so that all potentially affected persons may be attended to,” saad ni Gordon.

“I also had myself tested for the virus upon learning of these latest results. My wife, Kate, and our two household staff were tested as well. All our results came back NEGATIVE,” pahayag pa nito.(Dang Samson-Garcia)

Leave a Reply

%d bloggers like this: