Anti-Terror Law epektibo na

Anti-Terror Law epektibo na

UMPISA na ngayong Sabado ang implementasyon ng Anti-Terror Law na pinangangambahan ng ilang sektor na malalabag ang kanilang mga karapatan lalo na sa pamamahayag at pagtitipon.

Ito ay makaraang linawin kahapon ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na ngayong Hulyo 18 at hindi Hulyo 19 ang pagiging epektibo ng batas makaraan ang 15 araw na publikasyon nito sa mga pahayagan at sa opisyal na Gazette ng pamahalaan.

“The effectivity clause of the Anti-Terrorism Act states that the act shall take effect 15 days after its publication in the Official Gazette or in at least two newspapers of general circulation,” paliwanag ni Guevarra.

“Considering that the law was published on July 3, it will take effect on July 18, which is the 15th day. This is in accordance with the ruling of the Supreme Court in ‘People vs Nicolas’ (G.R. no. 135877), among others,” paglilinaw niya sa unang inilabas niyang mga pahayag.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas noong Hulyo 3 sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng iba’t ibang sektor sa pamahalaan at civic groups. Layon ng batas na amiyendahan at palakasin ang Human Security Act of 2007 na magtatatag ng Anti-Terrorism Council.

Kasalukuyang nasa siyam na petisyon na ang naisampa sa Korte Suprema laban sa batas o sa ilang inilalahad sa batas partikular ang depinisyon ng terorismo at kung sino-sino ang posibleng masangkot.

Leave a Reply

%d bloggers like this: