Duque, kinuwestyon sa pagdeadma sa Filipino made test kits

Duque, kinuwestyon sa pagdeadma sa Filipino made test kits

KINUWESTYON ng Senate Minority bloc si Health Secretary Francisco Duque sa hindi pa rin pagbibigay ng go signal upang magamit na ang mga Filipino-made test kits para sa COVID 19.

Sa pahayag nina Senate Minority leader Franklin Drilon, Senators Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan, nakaimbak at naalikabukan lamang ang P1,320 PCR test kits na gawang Pinoy sa mga laboratoryo dahil sa kawalan ng aksyon ni Health Secretary Francisco Duque III para payagan ang paggamit nito.

Ang mga test kit ay dinevelop ng UP-National Institute for Health at pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) subalit naisasantabi dahil sa approval sa paggamit ng imported brands mula China at Korea na nasa P4,000 at P8,000 ang bawat isa.

Iginiit ng grupo na noon pang Disyembre ay dinevelop na ng mga Filipino scientists at doctors ang test kits at dumaan na sa mga pagsusuri.

Hindi rin napigilan ng mga senador na kwestyunin si Duque at ang DOH sa hindi pa rin pagkakaloob ng go signal sa paggamit at mass production ng Filipino-made test kits na mas mura sa imported kits.

“May kumikita ba sa mas mahal na imported test kit?” tanong ng grupo.

Binigyang-diin ng mga senador na ang pondong maititipid sa pagbili ng test kits ay maari sanang gamitin ng gobyerno sa ibang hakbangin.

Leave a Reply

%d bloggers like this: