E-Government Service, ipatupad

E-Government Service, ipatupad

ISINUSULONG ni Senador Grace Poe anng pagpapatupad ng e-governance sa lahat ng ahensya ng gobyerno upang mas maging madali ang proseso sa lahat ng transaksyon ng publiko.

Sa kanyang Senate Bill 1683 o ang proposed E-Government Act of 2020, sinabi ni Poe na magiging mabilis din ang paghahain at pagtanggap ng personal claims o loans at iba pang business-related requirements sa pamamagitan ng online government system.

Binigyang-diin ni Poe na dapat lamang matiyak ang transparency at efficiency ng pamahalaan sa tinawag nitong “one click away” transactions.

Gayunman, aminado ang senador na kailangan pa ring ayusin ng gobyerno ang internet connectivity infrastructure bago maging epektibo ang sistema.

Alinsunod sa panukala, upang mapabilis ang pagkuha ng mga permit at lisensya, dapat lahat ng business registration-related transactions sa iba’t ibang ahensya ay integrated habang magkakaroon naman ng isang database para sa payment system sa bawat ahensya.

Nakasaad din sa panukala ang pagbuo ng real-time service ng procurement process na sasaklaw sa bidding at contract agreements.

Nakamandato rin sa panukala ang paglalagay ng security measures tulad ng proteksyon laban sa unauthorized usage at encryption ng personal data.

Sa panukala ni Poe, ang Department of Information and Communications Technology ang magiging lead agency upang matiyak angup-to-date at epektibong e-government master plan na regular na ina-update para sa pangangailangan ng publiko.

Leave a Reply

%d bloggers like this: