Paggamit sa frequencies ng ABS-CBN, maraming pang teknikalidad

Paggamit sa frequencies ng ABS-CBN, maraming pang teknikalidad

DUDA si Senador Win Gatchalian sa paggamit ng mga frequency ng ipinasarang ABS-CBN network para sa distance learning.

Sinabi ng chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, na bagama’t maaaring gamitin ng gobyerno ang mga “unused frequencies”, maraming isyung teknikal ang kailangan munang pagtuunan ng pansin.

Isa si Gatchalian sa advocates ng TV at radio-based instructions para sa blended learning dahil isa anya ito sa pinakaepektibong paraan upang mas maraming estudyante ang maabot sa kanilang mga tahanan.

Ipinaliwanag ng sendaor na isa sa dapat ikunsidera sa paggamit ng frequency ay ang technical facility.

Ang isa anyang frequency ay mayroong katapat na broadcast equipment at kailangan din ng kwalipikadong technical people upang mag-operate nito.

Ang kalidad din anya ng equipment at broadcast facilities ay dapat ikunsidera.

Binigyang-diin ni Gatchalian na upang mas malawak ang maabot, kailangan ang malakas na transmitters para sa broadcast.

“The operator of the frequency should be ready to invest in very high-tech equipment to maximize the nationwide reach,” diin ni Gatchalian.

Leave a Reply

%d bloggers like this: