Cha-cha ng mga alkalde, di lulusot sa Senado

Cha-cha ng mga alkalde, di lulusot sa Senado

TINIYAK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi makikisayaw ng cha-cha ang mga senador sa mga alkalde na nagsusulong ng pagbabago sa konstitusyon.

“Ang kailangan natin ngayon, pagkain, hindi sayaw. Hindi Cha-cha ang kailangan natin. Walang hanapbuhay ang ating mga kababayan, ‘yun ang malaking problema,” saad ni Drilon.

“Ako ay may tiwala sa aking mga kasamahan na makikita nila na hindi para sa kapakanan ng bayan itong gagawin nila. At ako ay naniniwala na haharangin ito sa Senado, hindi makakalusot,” dagdag pa ng senador.

Sa resolution ng League of Municipalities in the Philippines, nais ng mga alkalde na iinstitutionalize ang Mandanas Ruling ng Korte Suprema kung saan inaalis ang restrictions sa foreign investment sa mga industriya.

Sinabi ni Drilon na hindi maaaring magpasa ng batas ang Kongreso na babalewalain ang interpretasyon ng Korte Suprema.

“Hindi kami puwedeng magpasa ng batas na sinasabi na dapat ang koleksiyon lang ng BIR at hindi ng Customs ang isali sa IRA,” diin ni Drilon.

“Hindi puwede ‘yan dahil sabi sa Constitution, ang ibig sabihin ng ating Saligang Batas kapag sinasabing national taxes, ang ibig sabihin niyan ay lahat, BIR, Bureau of Customs at kung anu-ano pang ahensiya ang nagkokolekta ng buwis,” paliwanag pa ng senador.

Iginiit pa ni Drilon na tinatalakay na sa Senado ang isyu hinggil sa business ownership sa bansa at hindi na kailangan pa ng constitutional amendment dito.

Naniniwala ang senador na ang isinusulong na chacha ay para lamang sa ipagpaliban ang 2022 elections at alisin ang term limits ng ilang elected officials.

“Handa ang minority na lumaban dito. Si Senate President Sotto, sinasabi niya iba ang priority namin. So chances of it being passed in the Senate is very small,” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: