DOH, napag-iiwanan sa pagtaas ng COVID cases

DOH, napag-iiwanan sa pagtaas ng COVID cases

ILANG buwan na ang pagharap ng bansa sa COVID 19 pandemic pero tila hindi pa rin nakakasabay sa bilis ng pagtaas ng kaso ang Department of Health (DOH).

Iginiit ito ni Senador Joel Villanueva dahil sa kawalan pa rin ng aksyon ng ahensya sa test kits na dinevelop ng University of the Philippines (UP).

“Our limited resources are fast being depleted, hospitals are overwhelmed, and frontline workers are overworked, and yet the DOH leadership continues to be two steps behind,” pahayag ni Villanueva.

Sinabi ni Villanueva na ang patuloy na pagkakaimbak ng mga test kits ay nangangahulugan ng panibagong mismanagement ng DOH.

“The test kits have been ready since May, and yet we continue to rely on imported test kits that costs significantly higher than the locally manufactured ones,” diin ng senador.

Kinalampag naman ni Senador Bong Go ang ahensya at pinagsabihang huwag sayangin ang oras at pagsisikap ng UP sa development ng testing kits.

“Kung nasiguro nang mabisa ito matapos dumaan sa validation, gamitin na natin ito para mapaigting pa ang kakayahan nating mag Test, Trace and Treat,” diin ni Go.

“Katulad ng naunang apela ko noon sa FDA at RITM na pabilisin ang kanilang trabaho sa pag-validate ng mga test kits na dumarating, huwag nating sayangin ang oras at resources na meron tayo na kayang makapagligtas ng buhay ng kapwa nating Pilipino,” dagdag pa ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: