India may higit 1 milyong kaso ng COVID-19 na

India may higit 1 milyong kaso ng COVID-19 na

NAGING ikatlong bansa ang India sa mundo na umabot sa higit 1 milyon ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nang makapagtala na ng 1.08 kabuuang kaso at may 26,816 nang namatay.

Sa ulat naman ng World Health Organization (WHO), higit sa 250,000 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo sa loob lamang ng 24 na oras ang naitala.

Nasa kabuuang 259,848 bagong kaso ang naitala nitong Sabado na mas malaki kumpara noong Biyernes na nakapagtala naman ng 237,743 mga kaso. Ang biglaang pagtaas ay nangangahulugan na may 1 milyong bagong kasong naitatala sa loob ng 100 oras.

Nitong nakaraang Biyernes rin, lumagpas na sa 14 milyon ang mga kaso ng COVID-19 sa mundo habang halos 600,000 na ang nasawi dito.

May pinakamataas na naitala na mga bagong kaso nitong Sabado sa Estados Unidos, Brazil, India at South Africa. May 71,484 bagong kaso sa USA, 45,403 naman sa Brazil, 34,884 sa India at 13,373 sa South Africa.

Ang India ang ikatlong bansa sa mundo na umabot sa higit isang milyon ang kaso ng COVID-19 kasunod ng USA at Brazil.

Leave a Reply

%d bloggers like this: