Inmate na tumestigo laban kay Sen. de Lima, namatay sa COVID-19

Inmate na tumestigo laban kay Sen. de Lima, namatay sa COVID-19

ISANG inmate na tumestigo laban kay Senador Leila de Lima at walo pang high-profile inmates na sangkot sa iligal na droga ang nasawi nang tamaan umano ng coronavirus (COVID-19) habang nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP).

Kabilang sa mga sinasabing nasawi ay sina Sebastian na tumestigo laban kay Senador Leila de Lima sa pagdinig sa Kongreso noong Oktubre 2016. Tinukoy niya si De Lima na protektor umano ng operasyon ng iligal na droga sa Bilibid.

Sa pahayag na inilabas kahapon ni Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag, kinumpirma niya ang pagkamatay dahil sa COVID-19 ng ilang PDLs (persons deprived of liberty) pero tumangging ilabas ang mga pangalan dahil sa Data Privacy Act.

“Rest assured that the bureau of corrections is doing its best to address this pandemic. In fact, we have a high rate of recovery and we are glad to report to the public that all our interventions appear to be doing well and effective,” ayon sa pahayag.

Nabatid na nasawi si Sebastian nitong nakaraang Sabado dahil sa kumplikasyon dulot ng COVID-19 sa loob ng NBP Hospital. Sa death certificate, nasawi si Sebastian dahil sa ‘acute myocardial infraction’ o atake sa puso dahil sa virus. Dinala ang labi niya sa Panteon de Dasmarinas sa Cavite kung saan siya isinailalim sa cremation.

Walo pa sa mga sinasabing nasawi dahil sa COVID-19 ay pawang mga nakaditine sa Building 14 kung saan ipinalipat ang tinatawag na Bilibid 19 na karamihan ay sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa at ilan ay mga Chinese nationals.

Ipinatawag naamn ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra si Bantag upang magpaliwanag at berepikahin sa kanya ang napaulat na pagkamatay ng siyam na high-profile inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kabilang na ang kontrobersyal na si Jaybee Sebastian.

Leave a Reply

%d bloggers like this: