Recto: ‘Sana All’ may dagdag na sahod

Recto: ‘Sana All’ may dagdag na sahod

UMAASA si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na tulad ng ng mga nurse ay mabibigyan din ng dagdag na sahod ang iba pang healthworkers.

Sa pahayag ni Recto, umaasa siyang mabibigyan din ng dagdag na sahod ang iba pang healthworkers tulad ng medical technologists, radiologists at dietitian-nutritionists na pawang na nagseserbisyo rin para sa kalusugan ng mamamayan.

“Buti pa ang rookie na Patrolman, P30,000 kaagad ang base pay,” saad ni Recto.

Dapat din anyang dagdagan na ang entry level pay ng government dentists upang hindi na kapusin ang mga dentista sa bansa.

Welcome development naman para kina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Kiko Pangilinan ang tuluyan nang paglalaan ng pondo para sa dagdag na sahod ng mga government nurse.

Sinabi ni Lacson na bagama’t walang sapat na halagang katumbas ang sakripisyo ng mga nurse bilang frontliners, malaking bagay pa rin ang dagdag na kompensasyon sa kanila.

Pinatitiyak naman ni Pangilinan na matatanggap din ng mga nurse ang kanilang backpay simula nang maging epektibo ang batas para sa kanilang dagdag na sahod simula noong Enero.

Leave a Reply

%d bloggers like this: