Michael V, positibo sa COVID 19

Michael V, positibo sa COVID 19

KINUMPIRMA mismo ng Comedy genius na si Michael V o kilala rin sa alyas na Bitoy na positibo siya sa COVID 19.

Sa kanyang pag-amin sa pamamagitan ng kanyag YouTube account, sinabi ni Bitoy na unang sintomas na kanyang naranasan at hininala niyang may kinalaman sa virus ang pagkawala ng kanyang pang-amoy.

“Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online. I got better the following day,” kwento ni Bitoy.

“Wala akong maamoy ngayon, kumuha ako ng mga strong na perfume na normally ginagamit ko — alcohol, eucalyptus food — medyo weird. Wala akong masyadong maamoy,” pagsasalaysay pa ng komedyante.

Sa kwento ng aktor, sinabi nitong simula nang pumutok ang pandemya, naging mahigpit ang kanilang pamilya sa pagsunod sa protocols.

Sa kabila ng pagtatago ng kanyang kalungkutan, naging emosyonal din si Bitoy sa pagkukuwento sa kanyang blog nang talakayin niya ang pagka-miss sa kanyang pamilya.

“Nakakainis lang na ang lapit-lapit lang nila na sa kabilang kwarto lang and yet ‘di mo sila mahawakan. Hindi mo sila mahalikan. I feel bad but kaya. Hopefully, we’ll get through this and hopefully everything will be OK. We’ll see,” naluluha nitong pahayag.

Nasa ikalimang araw na siya ng isolation nang magpa-test na rin ang kaniyang asawa’t mga anak.

“Tsaka nakakapraning kasi kung nandito siya sa nasal area kung may virus diyan parang ang lapit sa utak, so mahirap. Baka sabi pa naman nung iba masustansya yung utak ko, mataba yung utak ko baka pagpiyestahan ng mga virus eh,” kuwento pa niya.

“Hindi biro itong mga nangyayaring ito. I wish hindi niyo balewalain yung mga nararamdaman niyo. Sundin pa rin natin protocols ng social distancing, PPE, ‘wag ng makipag-interact masyado sa iba kasi di natin alam sino yung carrier,” paalala pa ni Bitoy.

Lumabas ang resulta ng kanyang test sa ikawalong araw ng kanyang isolation.

“SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected so it’s positive, right now fever na lang yung loss of smell na-re-regain ko na siya,” diin ni Bitoy.

“Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID but I was praying na wala. But it turns out… tutuloy lang natin mga sinabi sa atin na kailangan gawin and we’ll get through this; we’ve been through worse. Sobrang nami-miss ko na yung pamilya ko,” saad pa ng komedyante.

Leave a Reply

%d bloggers like this: