Pagkamatay ng mga Preso sa COVID 19, pinaiimbestigahan sa Senado

Pagkamatay ng mga Preso sa COVID 19, pinaiimbestigahan sa Senado

ISINUSULONG ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang resolusyon para imbestigahan ng Senado ang ulat hinggil sa pagkamatay ng mga inmate sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa COVID 19.

Aminado si Sotto na maraming katanungang dapat sagutin sa mga insidente ng pagkamatay ng mga inmates kaya’t inihain nito ang Senate Resolution 468.

“I’m filing a resolution investigating the deaths in the NBP. Too many unanswered questions,” pahayag ni Sotto.

“Why no autopsies? Were relatives informed? Why was the DOJ not informed?” dagdag pa nito.

Suportado naman ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang hinihinging imbestigasyon ni Sotto.

“Konektado ang isyu na ito sa mga nakaraang Senate hearings kung saan sinisikap nating pagbutihin ang correctional system sa bansa… Nais rin nating alamin kung paano masisiguro na ang kalusugan at kapakanan ng mga nasa kulungan ay maaalagaan,” paliwanag ni Go.

Binigyang-diin ni Go na karapatan ng bawat Filipino na makatanggap ng medical at health care lalo na ngayon sa gitna ng pandemya.

Sa panig naman ni Senador Panfilo Lacson, sinabi nito na kung wala namang dahilan ng foul play sa pagkamatay ng mga inmate, mas nanaisin niyang tumutok sa mas mahahalagang bagay sa halip na maubos ang panahon sa pagkamatay ng drug convict na hindi nagpakita ng pagsisisi at nagpapatuloy ng operasyon sa loob ng bilibid.

Leave a Reply

%d bloggers like this: