Panelo hinamong kasuhan ang Simbahang Katolika

Panelo hinamong kasuhan ang Simbahang Katolika

MAS uminit pa ang banggaan ng Simbahang Katoloka at ng Duterte administration nang hamunin kahapon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo si Presidential legal adviser Salvador Panelo na kasuhan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kung sa tingin niya ay may nagawang paglabag sa Konstityusyon kaugnay ng inilabas na pastoral letter laban sa Anti-Terror Law.

Kinuwestiyon ni Pabillo si Panelo kung wala na bang karapatan ang simbahan na magsalita sa mga kakulangan ng pamahalaan o ang mga pari na mamamayan rin ng bansa.

“Kung it violates, sila na mismo ang magkaso sa amin, hinahamon ko na kung talagang nagba-violate ýun. Don’t we have a right to speak sa mga kakulangan ng pamahalaan?” ayon kay Pabillo.

Nitong Linggo, naglabas ang CBCP ng dalawang pahinang pastoral letter na tumutuligsa sa sari-saring isyu ng pamahalaan kabilang ang patuloy na mga patayan, akusasyon sa mga hinihinalang terorista, panggigipit sa mga kritiko at maging ang pagpapasara sa ABS-CBN network.

“We are already like the proverbial frog swimming in a pot of slowly boiling water,” paghahalintulad ng CBCP sa sitwasyon ng bansa.

Kasama rin sa tinuligsa ang pagkakapasa sa Anti-Terrorism Law na sinasabi nilang masyadong mabilis ang pagkaka-apruba habang dumaranas sa krisis ang bansa dulot ng pandemya.

“The dissenting voices were strong but they remained unheeded,” ayon pa sa CBCP.

Leave a Reply

%d bloggers like this: