10K dumalo sa El Shaddai event

10K dumalo sa El Shaddai event

KAHIT na may ipinatutupad na limitasyon sa mga religious gatherings, higit sa 10 libo miyembro umano ng Catholic charismatic groupna El Shaddai ang dumalo sa kanilang event sa Sucat, Parañaque ntong nakalipas na weekend.

Ito ang unang pagtitipon ng El Shaddia mula nang magpatupad ang pamahalaan ng ‘community quarantines’ at paghihigpit sa mga pagtitipon mula noong Marso.

Sa kasalukuyang panuntunan, tanging 10 porsyento lamang ng kapasidad ng isang lugar ang pinapayagan sa mga religious gathering sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘general community quarantine (GCQ).”

Ngunit pagtitiyak ng mga organizer, sumunod naman umano sila sa mga kaukulang protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng facemasks.

Pasok rin umano ang 10,000 sa 10 porsyento na rekisito ng pamahalaan dahil sa kanyang maglaman ng kanilang venue ng higit sa 100,000 tao.

Muli umanong magsasagawa ang religious groups ng mga kahalintulad na pagtitipon na may ipatutupad na karampatang pag-iingat.

Leave a Reply

%d bloggers like this: