BuCor officials, dapat managot sa pagtatago ng COVID 19 deaths

BuCor officials, dapat managot sa pagtatago ng COVID 19 deaths

NAGSIMULA na ng preliminary investigation ni Senate Blue Ribbon at Justice Committees Chairman Richard Gordon hinggil sa pagkamatay ng mga persons deprived of liberty kasama na ang mga high profile inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa COVID 19.

Sinabi ni Gordon na posibleng maharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng Bureau of Corrections sa pagtatago ng impormasyon hinggil sa COVID 19 infection at pagkamatay ng mga preso.

Iginiit ni Gordon na dapat sa umpisa pa lamang na natukoy na positibo sa COVID 19 ang isang high profile inmate ay agad na itong inireport sa Department of Justice (DOJ) at sa publiko.

Ang protocol anya ay kung may namatay lalo na at high-profile inmate, dapat ni-report sa DOJ at Supreme Court at maging sa Department of Health dahil may kinalaman sa COVID 19 ang pagkamatay.

Iginiit pa nito na kung namatay ay dapat na may pruweba dahil kahit anya sa death penalty ay kinakailangang may testigo kapag papatayin na ang convict.

Sa sandaling mairefer sa kanyang kumite ang resolution para sa pagsisiyasat, agad ikakasa ni Gordon ang hearing at ipatatawag ang mga kaanak ng mga nasawing preso.

Aminado si Gordon na hindi maiiwasan ang mga pagdududa laban sa BuCor dahil na rin sa mga iregularidad na natuklasan sa loob ng Bilibid sa mga nakalipas na panahon.

Iginiit ni Gordon na hindi siya magtataka kung maging ang pamemeke sa patay ay gawin na rin sa bilibid kapalit ng malaking halaga.

Kasabay nito, sinabi ng senador na makikitid lamang ang utak ng mga taong nagsasabing hayaan na lamang mamatay dahil mga kriminal ang mga preso at walang pinagsisihan sa knailang ginawa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: