Catriona Gray dumulog sa NBI sa pekeng nude photos

Catriona Gray dumulog sa NBI sa pekeng nude photos

DUMULOG kahapon si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa National Bureau of Investigation (NBI) at inireklamo ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng ‘topless photo’ niya na ikinalat sa internet.

Sinabi ni Gray na kailangang maaksyunan ang isyu para mapanagot ang mga taong nais sirain ang kaniyang reputasyon.

Nitong Linggo, sinabi ni Atty. Joji Alonso, abogado ni Gray, na ‘digitally altered’ o pineke ang mga litrato na kumakalat sa iba’t ibang internet platforms.

Nais ng kampo ni Gray na matukoy ang mga taong nasa likod ng malisyosong paggawa ng mga pekeng larawan at pagpapakalat nito at mapanagot sa batas.

“At a time when fake news is prevalent, we firmly urge the public to be discerning and critical of what they see and share on social media,” ayon kay Alonso.

Handa naman ang NBI-Cybercrime Division na tukuyin ang mga taong nasa likod ng mga nude photos at masampahan ng kaukulang mga kaso.

Leave a Reply

%d bloggers like this: