Face to face classes, kinontra

Face to face classes, kinontra

TALIWAS sa nais ng Department of Education (DepEd), igiiit ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na hindi muna dapat ipatupad ang face to face classes.

Sa halip, hinikayat ni Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy na lamang ng DepEd ang kanilang mga paghahanda para sa distance learning.

Ipinaliwanag ng senador na sa dahang-dahang pagbubukas ng ekonomiya, naging dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID 19 ang hindi na mapigilang paglabas ng tao sa nakalipas na tatlong linggo.

At kung papayagan ang face to face classes, iginiit ni Gatchalian na magdudulot ito ng pagkalat pa ng virus sa mga paaralan.

Ipinaalala pa ng senador na maging ang ilang lalawigan ay nagkaroon na rin ng kaso ng COVID 19 dahil sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals.

“We don’t want a scenario where physical classes will be opened but will eventually be suspended again beacuse of infections in their respective areas,” pahayag ni Gatchalian.

Nanindigan naman si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na hindi muna dapat payagan ang face to face classes hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID 19.

Iginiit ni Go na hindi dapat isugal ang kalusugan ang mga bata lalo pa’t hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagkalat ng virus.

Hinikayat ni Go ang DepEd na ipaliwanag sa publiko ang kanilang action plan para resolbahin ang iba’t ibang isyu sa paghahanda sa pagbubukas ng klase.

“Kaya naman po hinihikayat ko ang DepEd na gawing mas accessible at inclusive ang kanilang mga programa para sa mga kabataan kahit saan mang parte ng bansa sa pamamagitan ng online at offline methods of teaching,” pahayag ni Go.

Leave a Reply

%d bloggers like this: