Gen. Eleazar sa Riders: Huwag gumamit ng substandard na barriers!

Gen. Eleazar sa Riders: Huwag gumamit ng substandard na barriers!

PINAGSABIHAN ni Joint Task Force COVID Shield chief, Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga motorcycle owners na huwag gumamit ng substandard na materyales para sa protective barriers upang maiwasan ang aksidente.

“Iwasan po sana natin yung ‘puwede na yan’ mentality kasi ang pinag-uusapan dito ay ang inyong kaligtasan at ang kaligtasan ng inyong ka-angkas na asawa o partner. The two approved designs have specifications that conformed the quality standard for the safety of the riders,” saad ni Eleazar.

Ipinagtanggol din ni Eleazar ang inaprubahang prototypes barriers sa mga motorsiklo na anya ay nakasunod sa “quality safety standards.”

“These two approved designs, the Bohol prototype, and the Angkas design, underwent a thorough study which includes the concept of aerodynamics and was also tested for quality safety standards. Before approving them, our NTF Against COVID-19 made sure that the barriers are not only effective to shield both the riders from coronavirus infection but also safe from road accidents,” diin ng heneral.

Ipinaalala pa ng heneral na mayroon na lamang hanggang July 26 ang mga motorcycle owners para makatugon sa required barriers upang makaiwas sa huli kung angkas ang kanilang partner.

Sa tala ng JTF COVID Shield, nasa 10,932 motorcycle riders ang hinuli dahil sa hindi awtorisadong pagpapa-angkas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: