Hindi lahat ng Pinoy maiti-test- DOH

Hindi lahat ng Pinoy maiti-test- DOH

HINDI lahat ng Pilipino ay maisasailalim sa COVID-testing ng pamahalaan.

Ito ay nang sabihin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na 10 milyon lamang na test ang kaya nilang gawin sa pagtatapos ng taong 2020 kahit na may populasyon ang bansa na higit 100 milyon.

Iniulat ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa inter-agency task force meeting kung saan iginiit niya na hindi naman maaaring i-test ang lahat ng mamamayan kasabay ng pagkukumpara sa sitwasyon ng Estados Unidos.

“Hindi naman po puwedeng iti-test ang lahat ng mamamayan, wala pong bansa ang nakakagawa nito kahit na po ang pinakamayaman, kahit ang United States of America, hanggang ngayon sila na nga ang may pinakamataas na kaso sila din po ang may pinakamataas na namamatay na kanilang mamamayan,” ayon kay Duque.

Sinabi ng kalihim na umaabot pa lamang sa 40 milyon ang naisasagawang tests ng USA 0 siyam na porsyento ng 370 milyong populasyon ng bansa.

Hihigitan umano ito ng Pilipinas na target na 10 milyong tests ang maisagawa o 10 porsyento ng 109 milyong populasyon ng bansa.

“So tayo po malalagpasan natin yun, magiging 10% tayo o f the total population of the Philippines of 109 million. We might be able raech the 10 million Filipinos by 2021,” ayon kay Duque.

Sa kabila nito, may kapasidad pa lamang ang DOH na magsagawa ng 74,000 test kada araw at ang aktuwal na testing na naaabot ay umaabot sa 25,000 kada araw. Nitong Hulyo 20, umaabot pa lamang sa 1.120 milyong ang kabuuang tests na naisagawa ng DOH kabilang na ang mga repeat tests.

Leave a Reply

%d bloggers like this: