Lagundi posibleng panlaban sa COVID-19

Lagundi posibleng panlaban sa COVID-19

MAGSASAGAWA na ng ‘clinical trials’ ang Department of Science and Technology (DOST) sa Lagundi (Vitex negundo) bilang isa sa karagdagang gamot sa mga pasyenteng may coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña na mag-uumpisa ang ‘clinical trials’ ng Lagundi sa Agosto 1.

Umaasa ang pamahalaan na magpapakita ang trials na nakakabuti na mapagaling ng Lagundi ang sintomas at target na makapagpalabas ng clearance mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

“Kung guminhawa ‘yung pasyente doon sa kanilang pag-ubo at itong lagnat at sore throat, kasi malaking bagay kung giginhawa ‘yung pasyente,” ayon kay Dela Pena.

Bukod sa Lagundi, isa pang herbal na gamot ang Tawa-Tawa ang pinag-aaralan na rin ngayon ng DOST. Ang Lagundi ay napatunayan na epektibo sa ubo habang ang Tawa-Tawa naman ay isa sa health supplement laban naman sa Dengue.

Leave a Reply

%d bloggers like this: