Mahabang pila sa COVID drive-thru testing center

Mahabang pila sa COVID drive-thru testing center

TAGUMPAY ang itinatag ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” na COVID drive-thru testing center sa Quirino Grandstand para sa libreng rapid testing na ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Nabatid na madaling-araw pa lang ay mahaba na ang pila mula sa Grandstand na umabot sa Roxas Boulevard. Nabatid na ang mga nauna ay Lunes pa lamang ng gabi ay nakapila na at sa sasakyan na nila nagpalipas ng magdamag.

Hindi naman maiwasan na magkainitan ang mga motorista dahil sa kawalang-disiplina ng ilan na gumawa ng sarili nilang pila dakong alas-4 ng madaling araw kung kailan wala pang mga tauhan ng City Hall ang nagbabantay.

Nagdesisyon na lamang ang mga opisyal ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na gawing palitan ang pag-test sa tatlong magkakahiwalay na pila na nabuo.

Ayon sa Manila Public Information Office, umabot na 673 motorista ang naisailalim sa test nitong Hulyo 20. May kapasidad ang Quirino Grandstand drive-thru na 700 tests at 200 naman sa Kartilya ng Katipunan drive thru.

Bukas ang mga drive thru testing sa mga residente at hindi residente ng lungsod ng Maynila para sa mga gustong mabatid ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: