Pagiging tsimoso o tsismosa, mapapakinabangan sa COVID 19 contact tracing

Pagiging tsimoso o tsismosa, mapapakinabangan sa COVID 19 contact tracing

MAY SILBI ang pagiging tsismoso o tsismosa sa contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga positibo sa COVID 19 at sa pagpigil sa pagkalat ng virus

Ito ang paniniwala ni Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, director ng Police Regional Office- Central Visayas (PRO-7).

Sinabi ni Ferro na ang mga tsismosa at tsismoso ang kadalasang unang nakakaalam ng mga bagong balita sa kanilang kapwa kaya’t malaking tulong sila sa pangongolekta ng impormasyon na magagamit ng gobyerno.

“As what I have said in several pronouncements, it is not only the job or responsibility of the police, military, health workers, and the government. This is a responsibility of all Filipino citizens,” giit ni Ferro.

Ipinaliwanag ni Ferro na ang contact tracing ang sia sa pinakamabisang paraan sa pag-iwas sa pagkalat ng virus at posibleng magamit na contact tracer ang mga nakikitsismis.

“It’s a shared responsibility, so we need to help each other. If everyone will just do their basic responsibility, practice of minimum health standards which are: one, wearing of facemask; second, social distancing; third, frequent washing of hands and using of disinfectants – those are the basic things every Filipino should do,” diin pa ng opisyal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: