Pagkamatay ni Jaybee Sebastian, dapat may pruweba

Pagkamatay ni Jaybee Sebastian, dapat may pruweba

IGINIIT ni Senador Ralph Recto sa Bureau of Corrections (BuCor) na maglabas ng proof of death ng mga high profile prisoners partikular ni Jaybee Sebastian na namatay sa COVID 19.

Sinabi ni Recto na maaaring gamiting proof of death ang larawan ng namatay na kailangan lamang ipakita kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

“Simply show the photo to the Justice Secretary, and if he says that he had seen it, and swears that it is true, then the public can take his word for it,” pahayag ni Recto.

Maaari rin anyang iprisinta sa publiko ang CCTV footage ng katawan na inilalabas sa kulungan na imposible anyang wala dahil kinakailangang mayroong survillance camera sa kulungan.

“Hindi ba’t SOP na pagdating ng preso sa Bilibid ay kinukuhanan kaagad siya ng litrato para sa kanyangrecord? Kung mayroong picture sa first entry, siguro naman mayroon sa final exit, when an inmate leaves the prison for good, whether he walks out a free man, or is carried out horizontally,” diin pa ni Recto.

Samantala, muling nagpahayag ng pangamba sa sa ulat ng pagkamatay ng mga detainee sa NBP dahil sa COVID 19.

“Unang-una, natatakot ako rito. Hindi mo alam kung ano ang nangyayari. Given the history of BuCor, talagang nakakatakot ito,” diin ni Drilon.

Nilinaw din ng dating Justice Secretary na hindi kasama sa sinasabing sensitive personal information sa data privacy act ang kamatayan at katunayan ang death certificate anya ay isang public document.

“Kaya nagiging suspicious kaso hindi natin alam kung ano ang nangyari. Siguro kailangan ang full disclosure. Remember na nang siya ay namatay, limited yung right to privacy niya kasi nakakulong na siya. Kasi kung may privacy rights ka kailangan ng search warrant sa mga kubol. Habang nakabilanggo, ang prinsipyo is some of your civil and political rights are deemed suspended,” paliwanag pa ni Drilon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: