SONA, dapat tumutok sa plano laban sa COVID 19

SONA, dapat tumutok sa plano laban sa COVID 19

NAIS marinig ni Senate Minority leader Franklin Drilon sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang komprehensibong plano para sa labanan at mabawasan ang epekto ng COVID 19 pandemic sa bansa.

Partikular na nais malaman ni Drilon mula sa Pangulo ang kanyang mga plano at hakbangin upang buhayin ang ekonomiya partikular para sa mga OFW at mga nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Ipinaalala ni Drilon na ang kawalan ng overall comprehensive plan laban sa COVID-19 ay nagresulta sa shotgun approach at pagpapatupad ng pinakamahabang lockdon na nagresulta lamang sa pagkawasak ng ekonomiya.

Tiniyak naman ni Drilon na makikiisa ang minorya sa Senado sa pagbalangkas ng mga panukala na makatutulong sa pagresolba sa krisis.

Malinaw naman anya na nabigo ang Inter-Agency Task Force (IATF) na mapigilan ang pagkalat ng virus kaya’t dapat pag-aralan anyang muli ang mga ipinatutupad na hakbangin.

Nais ding marinig ni Drilon sa Pangulo kung magkano talaga ang kakailanganin ng gobyerno para sa pagbangon ng ekonomiya upang makapaghanda na ng mga hakbangin kung saan kukunin ang naturang halaga.

Leave a Reply

%d bloggers like this: