11 Obispo nasawi sa COVID-19

11 Obispo nasawi sa COVID-19

MAY 11 nang mga Obispo ng simbahang Romano Katolika ang nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) na patuloy na nananalasa sa buong mundo.

Sa ulat ng Vatican, pinakahuling nasawi si Bishop Henrique Soares de Costa ng Palmares, Brazil nitong Hulyo 18. May edad si De Costa, 57, at nalagutan ng buhay habang nasa intensive care unit ng St. Joseph Memorial Hospital matapos ang dalawang linggong pakikipaglaban sa virus.

Nabatid rin na si De Costa ang ikatlong obispo sa Brazil na nasawi sa virus. Una nang nasawi dito sina Archbishop Emeritus Pedro Ercilio Simon ng Passo Fundo na may eadad na 78 at Archbishop Emeritus Aldo Pagotto ng Paraiba na namatay sa edad na 70.

Ang iba pang opisyal ng Simbahang Katolika na nasawi sa virus ay sina: Bolivian Bishop Eugenio Scarpellini, 66; American auxiliary Bishop Emilio Allue, ng Boston, USA; Congo Bishop emeritus Gerard Mulumba Kalemba; Kenyan Bishop Silas Silvius Njiru; English Bishop Vincent Malone, 88; at Italian Bishop Angelo Moreschi, 67.

Sina Chinese Bishop Joseph Zhu Baoyu, 98 at Bangladesh Archbishop Moses Costa naman ay kapwa nakarekober sa mula sa virus ngunit muling tinamaan ng COVID-19 na nagresulta na ng kanilang pagkasawi.

Masuwerteng wala pa namang Obispo sa Pilipinas na nasasawi dahil sa virus dahil sa pagsunod sa mga ipinatutupad na protocols ng pamahalaan ukol sa religious gatherings sa bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: