Bangko sa Baryo, isinusulong

Bangko sa Baryo, isinusulong

NAGHAIN ng panukala si Senador Grace Poe para sa pagpapalawig ng serbisyo ng mga bangko sa mga liblib na lugar upang mas dumami ang makikinabang at mapaunlad ang buhay.

Sa kanyang Senate Bill 1682 o ang Bangko sa Baryo bill, nais ni Poe na gamitin bilang “cash agents” ng mga bangko ang mga convenience stores, pharmacies at iba pang highly accessible retail outlets sa mga lugar na walang sangay ng bangko.

Sa pamamagitan anya ng cash agents, maaaring makapagsagawa ng transaksyon tulad ng real-time withdrawal o deposit transactions, fund transfers, bill payments, at self-service transactions.

Ayon sa chairperson ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, maaari ring tanggapin ng cash agents ang bayad sa mga government institutions, tulad ng kontribusyon sa Social Security System at premiums sa Philippine Health Insurance Corporation, PAG-IBIG at iba pang institusyon.

Iginiit ni Poe na hindi na sa panahon ngayon hindi na dapat tumatawid pa ng mga ilog at umaakyat ng bundok ang mga residente sa mga liblib na lugar para lamang maka-avail ng serbisyo sa bangko.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 60% ng adult population ng bansa ang hindi pa rin nakakapagbangko, 15% lamang ang may savings at 10% ang umuutang sa formal financial institutions.

Sa panukala, binigyang-diin ni Poe na ang bangko pa rin ang pangunahing responsable sa bawat aksyon ng kanilang cash agents kaya’t dapat tiyakin na pasado ito sa evaluation procedures ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang mga cash agent anya sa remote area ay pagkakalooban ng libreng training ng mga tauhan sa proseso ng bangko.

Leave a Reply

%d bloggers like this: